OMG! As in oh my goodness. Eto na naman ako at adik na adik sa panonood ng mga telenovela, mapa pinovela, taiwanovela, koreanovela at ibat iba pang novela.
Ano nga bang maidudulot ng panonood ng mga ganito kundi eto ha, iisa isahin ko.
Una nagiging emosyonal, affected minsan at kung hindi naman eh parang nakaka-relate ka sa mga kwentong napapanood mo. Minsan nga ito pa ang pinagmumulan ng mga hindi pagkakaunawaan ng mga magsyota or magkaibigan o kahit mag-asawa. Dahil sa napanood ng babae na nangangaliwa kuno ung syota o asawa, ayun emote to the max na ang mga babae. Pero wag ka, hindi lang pala mga babae ang naadik sa mga ganitong panonood kundi mga kalalakihan din.
Pangalawa, maraming nagiging pabaya. Pabaya sa pag-aaral dahil sa kapapanood ng mga inaabangan na palabas. Pabaya sa mga gawaing bahay dahil imbes na magluto at mag ayos sa bahay eh ayun nakatutok sa telebisyon at konti na lng eh hindi na kukurap. Pabaya sa mga date, I mean dahil sa inaantabayanan na novela eh etse-pwera na ang mga kabiyak sa buhay o syota even mga kaibigan. Nakakawala din ba ito ng social life? Ewan natin. Pero ang alam ko darating din ang panahon na mananawa din ako.
Pero naisip nyo din ba kung anong magandang naidudulot ng sobrang pagiging adik sa mga novela na ito? Ikaw alam mo?
Share mo naman.
Tuesday, October 7, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hi there.. thanks for leaving a comment. Ewan ko ba.. I really tot that this would be easy. Imagine, we were able to get copies a few years back since nagpagawa kame ng passport tapos ngaun wala.. negative daw. kakainis talaga :( so sad and so pissed off with all these stuff.. pero may back up plan ako, I just want to get hold a copy of our birth certificates.
ReplyDeletejust be more patient gurl
ReplyDeletemas marami ka pang dadaanan na trials as you go along with your married life